Multo
Lyrics
Humingang malalim pumikit na muna
At baka sakaling namamalikmata lang
Ba't nababahala 'di ba't ako'y mag-isa
Kala ko'y payapa boses mo'y tumatawag pa
Binaon naman na ang lahat
Tinakpan naman na 'king sugat
Ngunit ba't ba andito pa rin
Hirap na 'kong intindihin
Tanging panalangin lubayan na sana
Dahil sa bawat tingin mukha mo'y nakikita
Kahit sa'n man mapunta ay anino mo'y kumakapit sa'king kamay
Ako ay dahan-dahang nililibing nang buhay pa
Hindi na makalaya dinadalaw mo 'ko bawat gabi
Wala mang nakikita haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim
Hindi na na-nanaginip hindi na ma-makagising
Pasindi na ng ilaw
Minumulto na 'ko ng damdamin ko ng damdamin ko
Hindi mo ba ako lilisanin
Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin (ng damdamin ko)
Hindi na ba ma-mamayapa
Hindi na ba ma-mamayapa
Hindi na makalaya dinadalaw mo 'ko bawat gabi
Wala mang nakikita haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim
Hindi na na-nanaginip hindi na ma-makagising
Pasindi na ng ilaw
Minumulto na 'ko ng damdamin ko ng damdamin ko
Hindi mo ba ako lilisanin (makalaya)
Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin (dinadalaw mo 'ko bawat gabi)
Hindi na ba ma-mamayapa (wala mang nakikita)
Hindi na ba ma-mamayapa (haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim)
Writer(s): Raphaell Ridao, Shadiel Chan, Redentor Immanuel Ridao
Copyright(s): Lyrics © Sentric Music
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
The Meaning of Multo
Be the first!
Post your thoughts on the meaning of "Multo".