Taxi Driver
Taxi Driver

Bassilyo - Taxi Driver Lyrics

6
Taxi Driver Music Video

Taxi Driver Lyrics

Pagkatapos kong mag-almusal ng pandesal tsaka tapsilog
Ay lalabas ako ng bahay upang magmaneho ng taxi ko
At itong pag biyahe ko upang kumita ng salapi
At baka sakaling makabili ng bahay na malaki

Unang passenger isang mukang mayaman na lasing
Di siya magalang napakayabang at amoy alak na kasing
Gasing ng mga gipit kulang binayad wala man lang tip
Kakabadtrip pwede ba sa susunod sumakay kana lang ng jeep

Ikalawang pasahero binibining estranghero
Sa suot niyang mini-skirt gumaling aking pagka bolero
Nagpahatid siya sa monumento binayad niya ay limang daan
Sabi ko napakaswerte ko naman (keep the change)

Mananaghalian na muna ako pahinga di muna ako babyahe
Nang may napansin ako sa limang daan na binayad nung babae
Kaya pala keep the change peke pala yung limang daan
Pag nakita kita ulit ika'y aking kakantahan

Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho hello maam hi sir
Liko dito liko here liko-liko there
Pwede ring dire-diretso basta wag lang sa pader

Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho hello maam hi sir
Bababa ba teka gigilid lang ako
Bago niyo ako layasan iabot niyong bayad niyo

Isang lola ang naisakay ko na kung makatingin ay makamandag
Sa kamadali niyang magbayad naiwan niya ang kanyang bag
What ano ang laman ng bag dali-daling binulatlat
Kala ko pera yung pala tiyanak so tinapon ko sa tapat
Ng kambingan at tindahan ng gamot saka bulaklak

Nang sa taxi ko ay may biglang kumatok napakalampag
Isang mamang malaki katawan na semi-panot ang gupit
May kasama siya na dalawang seksing bebot ang lupit
Ngunit bakit sa aking sakay di ako mapalagay
Ako’y tinutukan ng baril ang sabi nya (holdap to taas kamay)
Naku patay holdaper pala itong naisakay ko na semi-panot
Pano na yan wala pa kong kita kalalabas ko palang edi lagot
Mabuti nalang ay may biglang dumaang mobile patrol
Silang tatlo ngayon ay nasukol at sa kulungan sila nagmaktol
Pinagtanggol ako ni Lord at silay kalaboso na
Hoy panot one time lang sa bunbunan pakutos muna

Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho hello maam hi sir
Liko dito liko here liko-liko there
Pwede ring dire-diretso basta wag lang sa pader

Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho hello maam hi sir
Bababa teka gigigilid lang ako
Bago niyo ako layasan iabot niyong bayad niyo

Mula Batanes hanggang Jolo iniikot ko
Luzon Visayas Mindanao ay nililibot ko
Minsan para bang gusto ko nang tumawid ng ibang bansa
Pag may nanghuli sakin ng taxi ko sa kanya ko ibabangga

Simula Marikina Katipunan San Juan UP Kalayaan
Pagliko ko sa Litex kanan Commonwealth Novaliches Bayan
Montalban Angono Cogeo San Mateo Antipolo Taytay Cainta
Valenzuela Tondo Caloocan Malabon Navotas Malanday Malinta
Diliman Quezon at Timog Cubao Makati at buong Edsa
Bicutan Taguig Alabang Pasig Pasay at mall of asia
Welcome Rotonda diretso sa Recto
Sa dating hotel kung san pwede pumuwesto
Simbahan ng Quiapo Baclaran Batasan
Payatas sandigan at ever Gotesco
Boni Magallanes Sucat Parañaque Espana Luneta Laloma Malate
Sa 7-11 kumakaway sakin na mag-isang nakatayo na lalake
Isasakay ko nato last nato isa nalang
San kayo boss wag muna saka nalang (sa heaven tayo)

Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho hello maam hi sir
Liko dito liko here liko-liko there
Pwede ring dire-diretso basta wag lang sa pader

Andito na ang inyong gwapong-gwapong taxi driver
Handa kayong ipagmaneho hello maam hi sir
Bababa teka gigigilid lang ako
Bago niyo ako layasan iabot niyong bayad nyo

Writer(s): Jin Young Park, J.Y.Parktheasiansoul
Copyright(s): Lyrics © Universal Music Publishing Group, Sony/ATV Music Publishing LLC
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind

Post your Interpretation

Attach an image to this thought

Drag image here or click to upload image

The Meaning of Taxi Driver

Be the first!

Post your thoughts on the meaning of "Taxi Driver".

Latest Blog Posts
Lyrics Discussions
by 4batz

1

13
Hot Songs

1

13
by FloyyMenor, Cris Mj

1

77
Recent Blog Posts