Nakatabi
Nakatabi

Yanna - Nakatabi Lyrics

Feb 7, 2022
6
Nakatabi Music Video

Nakatabi Lyrics

Tignan mo ang sarili
Sana iyong nakikita
Ang dahilan ng aking ngiti sa umaga

Bigla na lang nangyari
Na tinangay ako ng hangin
Noong isang gabi

Naglilibot
At ang sarili ay natagpuan
Sa iyong harapan

At sa bawat saglit
Nagtataka kung naiisip mo rin

Kung kamay ba nating dalawa
Ay tinadhanang magdikit
O maglalaho na naman sa aking pagpikit

Hindi naman kailangang ibalik
Sa'kin ang pagtingin
Kung hindi talaga nakikita ang sarili
Na sa akin ay nakatabi

Hindi mabilang sa daliri
Kung ilang beses na inaalala
Ang unang pagkakita sa iyo

Marinig lamang ang boses ay agad nababaliw
Kaya hinahangad na sana ito'y hindi na matigil

Nakikita mo ba
Na ako ang iyong kasama

Ang kamay ba nating dalawa
Ay tinadhanang magdikit
O maglalaho na naman sa aking pagpikit

Hindi naman kailangang ibalik
Sa'kin ang pagtingin
Kung hindi talaga nakikita ang sarili
Na sa akin ay nakatabi

Ang kamay ba nating dalawa
Ay tinadhanang magdikit
O maglalaho na naman sa aking pagpikit

Hindi naman kailangang ibalik
Sa'kin ang pagtingin
Kung hindi talaga nakikita ang sarili
Na sa akin ay nakatabi

Writer(s): Yanna Matabang
Copyright(s): Lyrics © DistroKid
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind

Post your Interpretation

Attach an image to this thought

Drag image here or click to upload image

The Meaning of Nakatabi

Be the first!

Post your thoughts on the meaning of "Nakatabi".

Lyrics Discussions

1

13
Hot Songs

1

3
by Xavi

1

102
Recent Blog Posts