Ligaw Tingin
Ligaw Tingin

Curse One - Ligaw Tingin Lyrics

63
Ligaw Tingin Music Video

Ligaw Tingin Lyrics

Di ko naman ninais na magustuhan kita
Sa paningin ko ikaw ay sobrang ganda
Isa kang diwatang
Nakakapukaw ng mata
Sa lakas ng dating mo sa'kin
Di ka maalis sa isipan ko

Ako ay nabihag mo (nabihag mo)
Ng 'di sinasadya (ng di sinasadya)
Kung pwede nga lang sana ikaw ay sa'kin nalang (ikaw ay sakin nalang)
Kaso hindi ata pwede
Dahil masyadong mataas ang katulad mo
Kaya hanggang ligaw tingin nalang ako sa'yo
At kung sasabihin ko man to sa'yo baka mapahiya lamang ako kaya

Hanggang ligaw tingin nalang ako sa'yo
Dahil di kita kayang abutin
Kuntento ng ikaw ay nakikita ko
Sa panaginip nalang kita mahahagkan
Hindi na bale basta ika'y nasisilayan ko'y ayos na

Masilayan lang kita ay buo na ang araw ko
Lumiliwanag ang mundo
Mga larawan mo palagi ang tinitignan ko
Lungkot ay napapawi napapalitan ng saya
Pag magulo ang isipan ko iyong tinutuwid
Sa makatuwid ikaw ay gamot pag merong pighati
Na nararamdaman sana ay kapiling kita

Gagawin lahat para sa'yo kahit mahirap pa
Susungkitin ang mga bituin kahit na malabo na
Maabot ko 'to na para bang ikaw
Papano ko susundin ang sigaw
Ng pusong tinatanaw ay ang tulad mo
Eh hanggang dito nalang sa sulat ko
Kayang idaan ang damdaming nagsasabing ikaw ay sundan ko
Pero ang kausapin ka ng harapan ay di ko kaya
Pagpasensyahan mo na ko sana kahit

Hanggang ligaw tingin nalang ako sa'yo
Dahil di kita kayang abutin
Kuntento ng ikaw ay nakikita ko
Sa panaginip nalang kita mahahagkan
Hindi na bale basta ika'y nasisilayan ko'y ayos na

Di ko lubos maisip kung bakit ako ay tinamaan sa'yo
Lalo na pag ikaw ay nakangiti ang ganda ganda
Mong tignan pagmasdan
Ang sarap mong yakapin sinta
Ano man ang isuot mong damit ay yong nadadala
Kahit di kulay pink ay ang tamis mo sa mga mata ko
Walang halong green sa isip ko
Mukha mo ang laging nakikita ko
Ewan ko ba bakit ba nahuhulog na yata sa'yo
Ang puso kong 'to na lubos na nabighani sa tulad mo

Hindi ko akalain (hindi ko akalain)
Na ako ay iibig sa isang tulad mo
Ngunit pano ba anong aking magagawa
Ako'y walang lakas ng loob

Hanggang ligaw tingin nalang ako sa'yo
Dahil di kita kayang abutin
Kuntento ng ikaw ay nakikita ko
Sa panaginip nalang kita mahahagkan
Hindi na bale basta ika'y nasisilayan ko'y ayos na

Hanggang ligaw tingin nalang ako sa'yo
Dahil di kita kayang abutin
Kuntento ng ikaw ay nakikita ko
Sa panaginip nalang kita mahahagkan
Hindi na bale basta ika'y nasisilayan ko'y ayos na

Writer(s): CHRISTIAN EARL VALENZUELA
Copyright(s): Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind

Post your Interpretation

Attach an image to this thought

Drag image here or click to upload image

The Meaning of Ligaw Tingin

Be the first!

Post your thoughts on the meaning of "Ligaw Tingin".

Frequently Asked Questions

Latest Blog Posts
Lyrics Discussions
Hot Songs
Recent Blog Posts